New blog

Hi people, hello blog world!

Kailangan ko pa bang ipakilala ang sarili ko bago ko simulan to? Hindi naman siguro. So start ko na to.

Bakit ba ako gumawa ng blog ko sa wordpress eh may tumblr na ako, may blogspot pa? Ang sagot? Gusto ko eh! Pakealam niyo ba? Tsaroots! Ang bitchy lang ng pambungad ko sa blog na to. Binura ko na kasi yung account ko sa blogspot, mas bet ko kasi to, mas maganda daw to sabi ng napakagandang si Diane (Hi, pinsan! :)) Yung sa tumblr naman pang-jejemon daw sabi niya kaya eto ako sa WordPress!

Papangunahan ko na kayo, (nice start Divine, parang nambabanta lang) hindi ako magaling magsulat. Maganda ako magsulat pero hindi ako magaling na manunulat. Gets niyo naman siguro yun. I do not expect anyone na basahin tong blog na to. Ngayon pa lang, sinasabi ko na na crap tong blog na to.

I am no writer. Shocks. Lakas makakana ng English ko! Nabasa ko lang yan. Ginaya ko lang. Totoo naman yun. Applicable naman sa akin yan. Sinabi ko naman  na kanina di ba? Susme! Oo na, isang malaking trip lang talaga tong blog site na to. Wala nga akong katalent talent sa pagsusulat. Boplaks ako sa pagconstruct ng sentences at paragraph. Sa formal theme ko lang naman nasubukan yan, never ako nagparticipate sa school paper namin nung highschool. Ew, nerdie stuffs, di bagay sa ganda ko!

Ginawa ko lang to para may paglagyan ako ng naiisip ako. (Wow, container lang?) De, parang diary ganun! Online diary ba. Sosyalen! Diary na lang, kailangan online pa? Ganun talaga, maarte eh! Kesa naman sa notebook, ira-write down ko pa. Nakakatamad kaya yun. Ayaw ko ng ganun. Please lang! Mas okay to nakaharap sa laptop, type lang ng type ng naiisip (Aha! Sana sa school ganito rin yung utak ko ang daming naiisip), type lang ng type, sige type pa and then later ipa-publish na lang. Makaka-sideline ka pa sa twitter at facebook. Tsaka hello naman mga teh, 2012 na oh, try naman natin makiuso!

Bitchy Side of Me – blog title ko. Muntanga lang but yes itong blog na to ay ginawa ko para mailabas ko yung pagiging bitchy ko. Ang bait ko na kasi (LOL. Naniniwala ka?). Basta mabait na ako, sa maniwala ka man o hindi, namimiss ko lang yung pagiging b*tch so dito ko na lang ilalabas.

Bitchy Side of Me – napakawalang kwentang blog title! Napaka-common! (Sige, Divine, ibully mo sarili mong gawa! Ginusto mo yan eh!) Eh, ano naman kung common? At least english! Maganda tingnan at pakinggan, di ba? Eh yung content? Nako, please lang, wag na umasa mga tao, Pilipino ako kaya magtatagalog ako (Palusot! Di ka lang talaga marunong mag-english Divine!). Hay naku, ang epal lang ng subconscious mind ko gusto i-type ko din yung naiisip niya. Barado -__- Okay, para matahimik yung subconscious mind ko, fine, minsan mag-eenglish din ako. Straight english? No way! Ipapahiya ko lang sarili ko nun. Taglish, huling tawad!

Bitchy Side of Me – gaya nga ng sabi ko kanina, itong blog na to will serve na parang diary ko. Yung mga ilalagay ko dito is about sa akin (alangan naman about sa inyo? Blog niyo to?), about my experiences, at siguro minsan about sa feelings! Sagwa nung feelings, feeling ko kadramahan laman niyan. Expect niyo na yan! Ganun talaga mga babae! (Hindi naman lahat, Divine, nag-istereotype ka na naman.)

Bitchy Side of Me – sa mga magbabasa nito kung meron man, wag naman masyadong mag maganda na parang kilala na agad ako, okay? Bitchy Side of Me lang to, meron din akong angelic side! (Weh?)

Yun lang. Hinangin na ng electricfan yung utak ko, wala na akong maisip. Ako na magwewelcome sa sarili ko dito sa WP. Welcome sa akin! Sana mapanindigan ko to! Smiiiiles! :))

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s