manyak ako

(Reposted from my tumblr account)

Fifty Shades of Grey, Fifty Shades Darker, Fifty Shades Freed.

 
Nung binasa ko yang trilogy na yan, may nagsabi sa’king lalake na manyak daw ako. Aba, okay ka lang? Manyak agad? Di ba pwedeng naadik lang muna?

Ano bang meron sa mga libro ni E.L. James na yan? Sabi kasi nila naliligaw na ng landas at naiiba na ang mga paniniwala ng mga taong nakabasa niyan. Pano naman kasi mga kabataan ang karamihang nakapagbasa na niyan, actually dun sa karamihan na yun, karamihan pa babae.

Ano nga bang meron? Best seller yang librong yan! Oo, best seller yan! Sabi nila kaya naging best seller yan dahil dun sa konsepto kung saan DAW umiiikot yung kwento ng librong yan.. Ano bang tinutukoy ko?

Sex.

Masyado kasing sensual yung kwento at napakaraming physicalities. Define marami.

Kaya daw mabenta yang 50 Shades na yan dahil tungkol daw sa sex. Aba, manyak na nga? Bahala ka Kuya, sige sabihin mo ng manyak ako. Epal ka. Eto lang masasabi ko, kung puro tungkol sa sex yan, bakit mga babae ang readers niyan? Di ba dapat kayo? Kayo dapat tong mga lalake ang nagbabasa niyan! Kayo tong mga hayok na hayok sa sex eh, di ba?

Si Christian Grey, sya yung bidang lalake sa kwentong to. Inaamin ko halos mainlove ako sa kanya to think na fictional character lang sya. Nainlove ako to the point na ginusto kong magiging totoo sya..

Si Christian Grey, oo, sex addict yan.. pero hindi yun yung nagustuhan ko ah.

Si Christian Grey kasi gwapo, matalino, mayaman. Lahat binibigay niya sa babaeng mahal niya. Wala syang pakealam sa pera niya maibigay lang yung best ng isang bahay para sa mahal niya. Nung una silang nagkita ni Anastasia Steele, yung bidang babae, alam niya may something dun sa babaeng yun. Pagkatapos nun, pinuntahan niya siya dun sa working place niya. Kapag gusto niya, gusto niya talaga, gusto niya kanya lang. Graduation ni Anastasia nung binigyan sya ng Audi R8. Aba, graduation gift kotse? Sosyaleeeeen! Naka-track din yung cellphone ni Anastasia kaya naman nung nasa hindi magandang sitwasyon yung babaeng yun, just in time lang sya. Isa sa mga nagustuhan ko about Christian Grey is ramdam mong sobrang thankful sya na si Anastasia Steele at hindi si Kate Kavanagh ang pumunta dun sa interview kung saan sila una nagkita nung Anastasia Steele na yun.

Sa end ng Book 1, iniwan sya ni Anastasia. Aba, choosy pa sya! Haha. Joke. Nung iniwan sya ni Anastasia, nasaktan sya, ginawa niya lahat to win her back. Mahal sya ni Anastasia, pero nung una pakipot pa, echosera. Umalis pa nga sya eh, pumunta sya ng Georgia. Pagdating niya ng airport, pinalipat pa ni Christian yung ticket niya sa pinakamahal at take note, wala syang katabi nun. Bakit? Kasi ayaw ni Christian ng may makatabi sya. Possessive! Sinundan pa nga sya ni Christian sa Georgia. Ba’t ang swerte naman ni Anastasia?

Nung naging okay sila, si Christian Grey nagkusa, nagkusang magbago para dun sa babaeng mahal niya kasi natatakot ulit syang iwan sya. Gusto niyang magbago para dun sa babaeng mahal niya. Dumating pa sa point na iniwasan niya yung nag-iisa niyang kaibigan dahil nagseselos yung babae. Isa din sa nagustuhan ko sa kanya eh yung first times niya, yung first times na ginawa niya para kay Anastasia.

Si Christian Grey, kapag nagseselos sinasabi, hindi yung parang nagbibigay pa ng problem solving kaya nahihirapan yung mga babae. Naaalala ko din yung first time na nagsabi sya ng “I Love You” kay Anastasia, alam ko kasing sincere, ramdam ko eh. Yung scene ng hearts and flowers, dabest in yun!

Pero alam niyo ba kung ano yung pinakanagustuhan ko kay Christan Grey? Yung palagi niyang sinasabihan si Anastasia Steele at pinapaalalang maganda siya.

Ang swerte mo Anastasia Steele, sana ako na lang ikaw.

Ayan, sa tingin ko kaya kabataang babae ang karamihan ng readers niyan kasi kami yung mga taong naghahanap ng ganyang lalake. Hindi niyo kami masisisi.

Sa libro kasing to, may gwapo, matalino’t mayamang lalake na alam mong sincere sa nararamdaman niya, possessive pero sweet, yung gagawin lahat para sa babaeng mahal niya, yung thankful sya na nakilala niya sya, yung sinasabihan syang maganda, basta yung alam mong mahal niya talaga si Anastasia.

May mga ganyang lalake pa kaya? Kasi kung wala na, Christian, sana maging totoo ka na lang.

At para dun sa lalakeng nagsabing manyak ako dahil binasa ko tong librong to, sana mas higit ka pa kay Christian Grey.. kasi kung hindi, aba, pakyu na lang! Lechugas ka.

See you sa movie, K?

Laters, baby 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s