happiness will find me

I just realized that this past few months na parang di na ako yung parang dati, yung automatic na magiging masaya kapag nakalabas na ng bahay, kapag nakakain ako ng siomai, or kapag nakita ko sya, yung happiness ko nag-lielow na. Feeling ko i’m living my life tediously. It got boring nung nagdecide akong medyo magbago. Okay naman, kuntento naman ako pero iba kasi yung kuntento sa masaya.

So, what now? Ayaw ko naman makulong lang sa pagiging kontento, masarap kasi yung feeling na masaya. Gusto kong maging masaya, pero pano nga ba? May dalawang uri kasi ng happiness, synthetic at natural.

Natural happiness is what we get when we get what we wanted, and synthetic happiness is what we make when we don’t get what we wanted.” —Daniel Gilbert

Yung Synthetic happiness daw eh yung nanggaling lamang sa imahinasyon o sa mga haka- haka. Gamit na gamit sa’kin to ngayong semester! Etong synthetic happiness na lang yung pinanghawakan ko para maging masaya. Ano bang ginawa ko? Nagpakasubsob lang naman ako sa pagbabasa ng libro. In a week pwede akong makatapos ng dalawa. Where’s the synthetic happiness there? The imagination itself! Syempre kapag nagbabasa ka, ilalagay mo yung sarili mo dun sa kwento eh, and ang saya lang isipin na kunwari ikaw yung protagonist and mafufulfill mo yung character. Yung feeling na na-outpower mo yung antagonist plus the feeling of kilig kapag nandyan sa eksena si prince charming. Ang saya lang isipin, di ba?  Yun yung synthetic happiness, yung dahil sa imagination pwede kang maging masaya.

Yun daw yung happiness na parang nakuntento ka na lang sa kung anong meron ka. Optimism na lang. Happiness pa rin naman sya, kaso ‘di katulad ng Natural Happiness.

Yung natural happiness naman eh yung unpredictable happiness. It can happen over time and at any time. For example, yung nangyari kanina. Nanalo lang naman kami ng kapatid ko ng passes ng Perks of Being A Wallflower sa twitter care of NBS. Wow, di ba? Nagbakasakali lang yun. Another example, which is nangyari din right after naming kiligin sa pagkapanalo is yung pagreply ni Yael Yuzon sa kapatid ko sa twitter. We were both happy talaga! We didn’t see it coming kasi plus the fact na first common crush kasi namin ni Glazel si Yael. Aha! Instant! Happiness agad di ba? Yun yung natural happiness.

Oh, ayan, masyado akong masaya today para dali daling magpost ngayon.

Basta, keep in mind that masyadong maraming bagay, paraan, at dahilan kung paano at bakit tayo magiging masaya. Wag na tayo umarte. Synthetic man o natural happiness, imahinasyon man o biglaang kaligayahan, happiness pa din naman yun. Grab na lang natin. Walang masama dun.

Isa sa pinakamasayang feeling dito sa mundo eh yung pagiging masaya. Masaya kaya maging masaya.

Tip: Mas masaya yung feeling ng pagiging masaya kapag may kasama kang nararamdaman yun, so share your happiness!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s