i hate seeing my parents

Ang swerte swerte ng parents ko sa akin. Aba, sila ba naman ang biyayaan ng napakagandang anak. Hah. Joke. De, saan ka ba naman kasi hahanap ng anak na sobrang sweet tulad ko?

Sweet kapag may ipapabili. Sweet kapag may hihingin na mga bagong gamit like lipstick and perfume sa nanay. Sweet kapag gustong magpaluto ng paboritong ulam. Sweet kapag ayaw utusan sa mga gawaing bahay. I’m sweet like that.

Sweet pag may kapalit. Sweetness for my own benefit.

Pero pag wala akong kailangan? Pwedeng wag na lang mag-usap?

Hindi kami close ng parents ko. Never namin napag-usapan ang lovelife ko, bihira kami mag-usap about sa lagay ko sa school, magtetext lang ako kapag na-delay yung allowance ko, bihira ako sumagot sa tawag nila lalo kung alam kong mangangamusta lang naman.

So anong saysay ng pag-uwi ko dito sa Zambales every bakasyon? Para utusan nilang maghugas ng pinggan? Para magkulong sa kwartong wala namang aircon at halos ayaw ipabukas ang electric fan? Para manira ng tulog tuwing umaga?

Nakakainis, pero kahit ganyan sila, mahal na mahal ko yan, that’s why ayaw na ayaw ko silang makita.

Ano daw?

I hate seeing them not because I hate them. I hate seeing them kasi kapag magkakasama kami kasama yung mga kapatid ko, kahit di kami ganun kaclose, alam ko mamimiss ko sila. Para sa akin kasi makita ko lang sila, makumpleto lang kami, basta magkakasama kami sa isang bubong kahit di nag-uusap o kwentuhan, para sa akin bonding na yun! Naku, kung alam niyo lang. Sobrang bihira kasi kami magkakasama.

And now, I’ll face it again, ilang days na lang balik Maynila na naman. Magugulat na lang ako sa sarili ko dun na bigla na lang ulit iiyak kasi namimiss ko sila. Sabihin niyo ng nag-iinarte lang ako dito kasi di naman kami close. Tang-ina niyo lang.

Dapat kasi di na lang nagkikita tapos magkakahiwalay lang naman agad. Bastusan ng feelings?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s